^

Police Metro

Digong kay Peter Lim I Cannot Save You

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sorry, I cannot save you!

Ito ang mariing sinabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pinaghihinalaang top drug lord ng Cebu at isa ring negosyante na si Peter Lim matapos ang mga itong magkita sa Davao City nitong Biyernes ng gabi.

Sa isa at kalahating oras na video na ipina­labas ng palasyo ng Ma­la­cañang kahapon ng umaga, pinayuhan ni Duterte si Lim na magtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) at sumailalim sa imbestigasyon upang patunayan na  hindi ito top drug lord ng Central Visayas.

“Binabalaan kita, ipapatay kita kapag napatunayan kong hindi ka nagsasabi ng totoo,” banta ni Duterte sa wikang Bisaya kay Lim na sinabing mananagot ito sa batas kapag nakakuha ng matibay na ebidensya na positibong top drug lord ito ng Cebu.

Si Lim ay lumantad at nakipagkita kay Digong sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 11 sa loob ng compound ng  Davao City Police Office sa lungsod  kamakalawa ng gabi.

Nabatid sa nasabing pagpupulong ay, tahasang itinanggi ng negosyanteng Cebuano-Chinese na siya ang Peter Lim na nasa drug watch list na tinukoy ni Duterte at umano’y hindi siya sangkot sa illegal drug trade sa Central Visayas partikular na sa Cebu.

Sinabi nito na nanga­ngamba siya sa kaniyang buhay dahilan baka maging target ng operasyon kontra droga kaya napilitang lumantad upang linisin ang kaniyang pangalan.

Samantalang binalaan naman ni Duterte si Lim na mananagot ito kapag nakakuha ng matibay na ebidensya ang mga awtiridad.

Sa tala ng Bureau of Immigration and Deportation (BID), umaabot sa 4,000 ang nagnga­ngalang Peter Lim sa bansa na karamihan ay mga negosyanteng Tsinoy.

Magugunita na noong 2001 ay isinalang sa im­bestigasyon ng Kongreso si Peter Lim sa alegasyong tulad ng kapatid nitong si Wellington ay sangkot din ito sa illegal drug trade pero nauwi sa wala ang pagsisiyasat dahilan sa walang matibay na ebidensya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with