^

Police Metro

‘Endo’ mababawasan na - Malacañang

Rudy Andal at Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – “Mababawasan na sa loob ng 6 na buwan ang ‘endo’ o contractualization”.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa media briefing sa Palasyo at  mismong si Labor Sec. Silvestre Bello III ang nangako kay Pangulong Duterte sa ginanap na ikalawang cabinet meeting sa Malacañang kamakalawa na mababawasan na ang sinasabing ‘end of contract’ (Endo) .

“DOLE has committed to reduce ENDO, contractualization, within six months, a considerable amount. And also, DTI, DTI has also committed to reduce the number of days to register a business to three days or ideally one day,” wika pa ni Abella sa Malacañang reporters.

Samantala, pinapa-am­yendahan ni Davao Rep. Karlo Alexei Nograles ang  mga probisyon sa labor code na nagpapahintulot sa mga negosyante na baliin ang batas sa security of tenure.

Ang hakbang ni Nograles ay  kasunod na rin ng deklarasyon ni Pangulong Duterte na  nais nitong tapusin ang umiiral na contractualization o endo.

Sa House Bill 1351 o ang  “employment relation law” ni Nograles, layon nito na alisin ang napakaraming employment engagement tulad ng probationary, fixed term, casual, seasonal, temporary at extra.

Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng empleyado ay gagawing regular ma­liban sa mga nasa ilalim ng probationary employment o nasa industry-specific work arrangement na tutukuyin ng labor secretary sa pamamagitan ng tripartite consultation.

Nakasaad din dito na hindi maaaring tanggalin sa trabaho ang isang emple­yado nang walang dahilan at due process; habang ang probationary employment ay hindi dapat lumampas sa 6 na buwan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with