^

Police Metro

3 dawit sa droga, utas sa shootout

Mer Layson at Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Talong hinihinalang sangkot sa droga ang napatay sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa Pasig City at sa Maynila.

Sa Pasig, dalawang umano’y  drug pusher ang napatay makaraang manlaban sa mga awtoridad na nagsasagawa ng buy bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ang unang biktima ay kinilala lamang sa alyas Pogie na dead-on-arrival sa Rizal Medical Center makaraang makipagbarilan sa mga tauhan Pasig police. Ayon sa report, ang insidente ay naganap dakong alas-6:00 ng gabi sa Jenny’s Avenue, Brgy. Rosario Pasig City.

Sinabi ni Sr. Supt Jose Hidalgo, hepe ng Pasig police, habang nagsasagawa ng buy bust operation ang kanyang mga tauhan nang makatunog ang suspek na pulis ang bumibili sa kanya ng droga kaya ito bumunot ng kanyang kalibre 38 baril at nakipagbarilan sa mga pulis na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Ang ikalawang insidente ay naganap dakong alas-9:30 ng gabi sa Dr. Pilapit St., Brgy. San Miguel, Pasig City, kung saan ang napatay na suspek ay nakilalang si Alex Amorosa na sinasabing kilalang drug pusher sa lugar.

Tulad ng unang insidente, sinasabing nanlaban din si Amorosa sa mga pulis na nagsasagawa ng buy bust operation kaya siya napatay.

Dead-on-the-spot naman ang isang 19-anyos na miyembro ng Batang City Jail (BCJ) na sinasabing ‘tulak’ din ng iligal na droga nang makipagbarilan sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) na nagsasagawa ng buybust operation, sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Ogie Sumague,  alyas “Dondon” ng  Del Pan St., Binondo, Maynila  sanhi ng tinamong 5 tama ng bala   sa katawan.

Sa ulat ni SPO2 Benito Cayabyab ng MPD-Homicide Section, dakong  alas 7:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa  bahay ng biktima.

Nag-ugat ang  pagkabaril sa biktima habang papasok umano ang mga operatiba ng MPD-Station Anti Illegal Drugs (SAID) ng Station 11  sa lugar kung saan naroon ang target na si Sumague.

Naalarma umano si Sumague nang makita ang mga pulis at una umano itong nagpaputok sa direksiyon ng mga pulis at isa ang tinamaan subalit nakasuot ng bullet proof vest kaya hindi tumago sa kaliwang bahagi ng katawan.

Nauwi sa gantihan ng putok hanggang sa bumulagta si Sumague.

Narekober mula sa pag-iingat ng biktima ang 6 na sachet ng hinihinalang droga, bala at isang baril.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with