MANILA, Philippines – Niyanig muli ng lindol ang bayan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya nitong Sabado ng madaling araw.
Ito’y matapos namang maiulat ang tatlong magkakasunod na lindol na ang pinakamalakas ay Intensity V sa nasabing bayan noong Biyernes.
Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology, bandang alas-2:52 ng madaling araw kahapon nang tumama ang 4.9 magnitude ng lindol na ‘tectonic ang origin “sa layong 009 kilometro sa timog kanluran ng Ambaguio, Nueva Vizcaya.
Tectonic ang origin ng naturang lindol.
Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa intensity 5 sa Ambaguio, Nueva Vizcaya, Intensity 4 sa Bambang, Bayombong, Kayapa at Aritao, Nueva Vizcaya; Lamut, Ifugao samantalang Intensity 2 sa I-Sagada, Mountain Province; San Jacinto, Pangasinan; Baguio City at Intensity I sa Manaoag, Pangasinan
Bago ito, nakapagtala muna ng 2.7 magnitude na lindol sa Ambaguio Nueva Vizcaya ganap na ala-1:50 ng madaling araw at ang sentro nito ay naitala sa may 018 kilometro ng timog kanluran ng Ambaguio Nueva Vizcaya.