^

Police Metro

Bading kinatay, isinilid sa maleta

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines – Karumaldumal ang sinapit na kamatayan ng isang bading  na binurdahan ng saksak ng hinihinalang live-in partner nito sa loob ng condominium unit, inilagay sa maleta saka  itinapon ang bangkay, ayon sa Pasay City Police.

Kinilala ang biktimang si Robert William Del Rosa at may alyas na John Leo Tababa, 23, nagtamo ito ng saksak sa leeg. Isinailalim na sa kustodya ng pulisya ang suspek na si Jayson Santos Lee, may sapat na gulang.

 Ayon sa inisyal na report na natanggap ni Sr. Supt. Joel  Doria, hepe ng Pasay City Police,  naganap ang insidente alas-4 kahapon ng  umaga sa Unit 1154, Tower D, Shell Residences, EDSA Extension, Brgy. 76 ng naturang siyudad.

 Habang nag-ro-roving sa 11th floor ng naturang condomi­nium ang OIC na si Noli Manlolo, napansin nito na bahagyang bukas ang pinto ng naturang unit at ng silipin ay nakita ang nagkalat na mga dugo.

Nabatid na natukoy ang suspek matapos itong makita sa CCTV habang nagmamadaling lumabas sa nasabing condominium unit bitbit ang maleta.

Samantalang natagpuan naman ang bangkay ng biktima na nakasilid sa maleta sa coastal area ng CAVITEX, Bacoor City bandang alas -9:30 ng umaga kahapon. Inaresto naman ng Pasay City Police ang suspek.

 

MARINE CAPTAIN NICANOR FAELDON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with