^

Police Metro

I am telling the networks. Do not come here. I do not need you-Duterte... I-boykot n’yo ako, walang problema!

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - “I do not want publicity, you know that. It would be good if you disappear... Mag-boycott na kayo. As a matter of fact, make this trip your last in Davao City. I do not care if there is nobody covering me,”.

Ito ang naging hamon ni President-elect Rodrigo Duterte matapos ang panawagan ng international group na Reporters Without Borders.

Sinabi ni Duterte sa kanyang press conference kamakalawa ng gabi sa Davao City, hindi niya kailangan ang international media coverage kaya walang problema sa kanya kung iboboykot siya ng mga media.

Nag-ugat ang panawagan na iboykot si Duterte dahil sa naging pahayag nito ukol sa media kil­lings na corrupt at biased daw ang mga napapatay na mediamen.

“Huwag kayong pumunta. Make it a first in the history of this Republic. Do not cover me... PTV-4 nalang kayo makinig. I am asking you guys do not ever ever come back. I am telling the networks. Do not come here. I do not need you. I will just go around and tell the people that this is the program of government and you would know it,” dagdag pa ng incoming president.

Hinamon pa ng susunod na pangulo ng bansa ang mga reporters na ‘patayin’ na ng mga ito ang journalism sa Pilipinas.

Aniya, huwag na daw magpunta sa Davao City ang mga reporters at tv networks para i-cover siya kung nais sundin ng mga mediamen ang pa­nawagan ng international media group na-iboykot siya.

“As a matter of fact, I’m challenging you guys. Kill journalism. Stop journalism in the country. If you’re worth your salt, you should accept the challenge. Pagka hindi, mababa na ang tingin ko sa inyo. Para kayong takot,” paliwanag pa nito.

“I cannot stop you. If you do not want to come here, to boycott me, kill journalism here. Kung ayaw na ninyo magpunta, eh di wala na journalism. How can I kill journa­lism?” diin pa nito.

“Ibig kong sabihin, ‘Wag ka na,’ If you want, you can kill journalism here. Then, I will rely on the government [media]. Because that is the threat. P***** i**,” dagdag pa ni Duterte.

ENERGY REGULATORY COMMISIION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with