MANILA, Philippines – Nagpalabas ng isang pahinang guidelines ang Chief Sherrif and Security Division ng Sandiganbayan para sa mga nagkokober na mediamen dito.
Sa ipinalabas ni Albert dela Cruz, acting chief ng nasabing division ay nagsasaad na limitado na ang oras at bahagi ng Sandiganbayan kung saan maaari lang manatili ang mga taga media.
Nabatid na alas-8:00 ng umaga hanggang alas- 4:00 ng hapon lang maaaring manatili sa paligid ng anti-graft court ang mga accredited news reporters at kanilang crew at pinagbawalan na rin ang mga mamamahayag na pumasok o lumabas sa pintuan sa likurang bahagi ng gusali.
Sinabi pa ni Dela Cruz na ang access privilege sa mga mamamahayag ay maaaring suspindehin sa tuwing sila ay nasa heightened period of security.
Ipinagbabawal na rin na manatili ang mga mamamahayag sa corrigidor o pasilyo ng gusali na malapit sa mga security posts at maaari lamang tumambay sa canteen o dining hall ang mga ito.
Wala naming binanggit na dahilan si Dela Cruz sa pagpapalabas ng bago nilang abiso sa mga mediamen.