MANILA, Philippines – Sa pag-upo ni incoming President Rodrigo Duterte ay target nitong magtayo ng railways system sa Luzon at Mindanao at posibleng kabilang ang China sa big project lalo’t wala namang pondo ang gobyerno para gawin ito.
Sinabi ni Duterte na ang pagkakaroon ng maayos na railways system ang nakikita niyang solusyon sa matinding problema sa trapiko sa Metro Manila.
Ang plano niyang railways system sa Luzon ay Manila-Nueva Viscaya, Manila-Sorsogon, Manila-Batangas at sa buong Mindanao.
Magugunita na mayroong railways project si dating Pangulong Gloria Arroyo na Northrail project subalit ibinasura ito ni Pangulong Benigno Aquino lll.