HCPTI nilinaw ang desisyon ng CA
MANILA, Philippines – Hindi umano kasama sa dinesisyunan ng Court of Appeals (CA) ang isyu hinggil kung sino ang nagmamay-ari ng P5 milyong pasilidad ng Harbour Centre Port Terminal Inc., at ang negosyanteng si Reghis M. Romero II ang legal na may control at nagpapatakbo nito.
Ito ang nilinaw ni HCPTI Corporate Lawyer Eugene M. Santiago, dahil sa hindi tinalakay sa ipinalabas na desisyon ng CA ang isyu kung lehitimo ang Board of Directors ng Harbour Centre Port Terminal, Inc., ang legalidad ng kontrata ng Port Ancillary Services Contract at Port Services Management Contract.
Bagkus ang mga isyu ay ibinalik sa kamay ng Regional Trial Court kung saan ang kaso ay nakabinbin.
Hindi rin aniya sinabi ng CA na ibinibigay nito ang pamamahala ng HCPTI kay Michael L. Romero sa One Source Support Services Inc., (One Source) o sa kahit na kaninong agents nito o empleyado o representate. Ang lahat ng isyung ito aniya ay ibinalik ng CA sa Mababang Hukuman.
Sa record, ang kaso kung sino ang tunay na may-ari at dapat na magpatakbo ng HCPTI ay hinawakan na ng 17 Mahistrado ng CA kung saan ang lahat ng ito ay binitawan ang kaso.
Ang taktikang ito ay muling ginamit kay CA Special Second Division Justice Danton Bueser matapos na magpalabas ng 3-0 votes para sa Temporary Restraining Order at Writ of preliminary injunction na nagbabawal kay Michael Romero na pakialaman at kamkamin ang HCPTI.
- Latest