MANILA, Philippines – Nagpasalamat kahapon si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa naging pahayag in incoming President Rodrigo Duterte na papayagan nitong mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
“We are deeply grateful to the statement of our incoming President Rodrigo Duterte favoring the burial of the late President Ferdinand Marcos at the Libingan ng mga Bayani,” ani Marcos.
Ayon pa kay Marcos, hindi nagbabago ang posisyon ng kanilang pamilya tungkol sa karapatan ng kanilang ama sa ilalim ng batas na mailibing sa Libigan ng mga Bayani bilang isang dating sundalo at isang dating pangulo ng bansa.
Naniniwala si Marcos na ang nasabing pahayag ni Duterte ay magdudulot ng pagkakaisa sa matagal nahahating bansa na kagagawan umano ng mga nagdaang lider.
Iginagalang naman ng Malacañang ang pasya ni Duterte, ngunit ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., hindi pa rin nababago aniya ang paninindigan ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi dapat mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.