Drilon, Pimentel, Sotto at Cayetano maglalaban sa Senate presidency
MANILA, Philippines - Maglalaban-laban bilang susunod na presidente ng Senado ang kasalukuyang lider na si Senate President Franklin Drilon, Senators Aquilino Pimentel III, Vicente “Tito” Sotto III at Alan Peter Cayetano.
Ito ang sinabi kahapon ni Senator Edgardo “Sonny” Angara na naniniwalang sinuman sa apat ay kuwalipikadong pamunuan ang Mataas na Kapulungan.
All the names coming out so far of those aspiring for the top Senate post, which include Sens. Alan Cayetano, Pimentel, Drilon and Sotto, are all qualified to take on the presidency of the Senate,” ani Angara.
Ayon pa kay Angara, puwede namang paghati-hatian ng mga nabanggit ang iba pang posisyon sa Senado katulad ng majority leader, minority leader, at Senate President Pro Tempore.
Ipinaalala ni Angara na walang nag-iisang partido ngayon sa Senado ang may sapat na bilang para matawag na majority at magluklok ng Senate president kaya kinakailangan magkaroon ng kowalisyon sa ibang grupo.
Ayon pa kay Angara, maraming negosasyong nangyayari sa mga kasalukuyang at mga bagong miyembro ng Senado.
Ang una aniyang aspirante na makakakuha ng suporta ng 13 senador ang tiyak na susunod na Senate president pero kung wala sa kanila ang makakakuha ng numero, mananatiling lider si Drilon katulad na nangyari kay dating Senate President Juan Ponce Enrile noong 2010.
- Latest