Duterte gov’t ipaparamdam sa pangkaraniwang tao ang economic growth

MANILA, Philippines - Naghahanda ang Duterte administration na totoong mararamdaman ng pangkaraniwang Filipino ang economic growth.

Ayon sa spokesman ng Duterte transition team na si Peter Lavina na malaking hamon kay incoming President Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng maunlad na ekonomiya na totohanang mararamdaman din ng pangkaraniwang Filipino.

Magugunita na inilahad ng Malacañang ang naitalang 6.9 percent economic growth sa GDP sa 1st quarter ng 2016 na pinakamabilis din na economic growth na naitala sa Asya.

“Ang gustong mangyari ni incoming President Duterte is kahit na may economic growth tayo pero hindi ito natitikman sa baba, magi­ging problema talaga, so the biggest challenge how to trickle down the benefits of the economic growth to the poorest of our countrymen,” paliwanag pa ni Lavina.

Siniguro din nito na itutuloy ng Duterte go­vernment ang si­nimulang mga infra-projects sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) kaya lang ay  kailangang ayusin ang mga bottlenecks at kung ano ang mga na­kabinbing PPP proposals na hindi umuusad dahil may mga problema on the ground at kulang ng consultations.

Show comments