MANILA, Philippines – Nasugatan ang pitong miyembro ng Army’s 10th Scout Ranger Company makaraang masabugan ng granada na inihagis sa kanila ng hindi pa nakilalang mga kalalakihan na pinaghihinalaang mga bandidong Abu Sayyaf sa Jolo, Sulu kahapon ng umaga.
Ayon kay Major Filemon Tan, Spokesman ng AFP-Western Mindanao Command, bandang alas -5:21 ng umaga ay nagsasagawa ng ‘logistics run’ ang 10 man team ng nasabing elite unit nang hagisan ng granada ng ilang kalalakihan sa bisinidad ng Brgy.Walled City, Jolo ng lalawigang ito.
Ayon kay Tan na nakasibilyan ang mga naghagis at hindi inaalis ang posibilidad na kagagawan ito ng mga bandidong target ng Focused Military Operations (FMO) sa Sulu.