Sa pag-post ng seksing larawan sa FB... Dalagita napagalitan ng ina, nagbigti

MANILA, Philippines – Posibleng masyadong dinamdam ng isang 15-anyos na dalagita ang panenermon ng ina sa kanya dahil sa pagpo-post nito ng seksing larawan sa Facebook.

Natagpuang naka­bigti sa loob ng kanilang bahay sa San Bartolome St., Seacom Compound, Brgy. San Antonio, Parañaque City ang biktimang si Hanna Alessandra Villar.

Batay sa ulat,  alas-4:50 ng hapon nang matagpuan ang  biktima ng kapatid na lalaki na nakabigti gamit ang sinturon.

Dali-daling tinanggal ang biktima sa pagkaka­bigti at mabilis na dinala sa ospital, subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Ayon sa pahayag ng ina na si Cherry Villar, bago ang insidente ay napagalitan niya ang anak dahil sa pagpo-post umano nito ng kanyang mga seksing lara­wan sa Facebook na hindi niya nagustuhan.

Show comments