NDF magsusumite ng mga pangalan para sa posisyon sa gobyerno
MANILA, Philippines – Nakatakdang magsumite ng listahan ang National Democratic Front (NDF) kay presumptive President Rodrigo Duterte sa inaalok nitong posisyon sa Communist Party of the Philippines upang mapasama sa kanyang Gabinete.
Ayon kay NDF peace negotiating panel chairman Luis Jalandoni na maraming qualified para sa inaalok na posisyon ni Duterte sa CPP para sa Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Aniya, sila ni CPP founder Jose Maria Sison ay naghahanda na ng shortlist upang isumite kay President Duterte.
Tumanggi namang pangalanan ni Jalandoni ang mga personalidad na nasa shortlist nila upang maupo sa DOLE, DAR, DSWD at DENR pero siniguro na puro qualified ang mga ito upang pamunuan ang nasabing ahensiya.
Naunang sinabi ni Joma Sison na walang opisyal o miyembro ng CPP ang mauupo sa Gabinete ni Duterte hanggang hindi pa nakakamit ang tunay na peace agreement sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.
Pero sinabi ni Sison, may mga progresibo at makabayang mga personalidad na hindi miyembro ng CPP ang puwedeng maupo sa nasabing mga posisyon habang ongoing ang peace talks sa pagitan ng CPP-NPA-NDF at gobyerno.
- Latest