IBP pinetisyon ang 2 Sandigan justices na itinalaga ni P-Noy

MANILA, Philippines – Pinetisyon ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Korte Suprema para ipawalang bisa ang pagtatalaga ni Pangulong Noynoy Aquino sa dalawang Sandiganbayan Associate Justices.

Sa 27 pahinang Petition for Quo Warranto, Certiorari and Prohibition ng IBP kasama ang limang iba pang petitio­ners, pinababawi nila ang appointment kina Cebu Regional Trial Court Judge Geraldine Faith Econg at Office of the President- Office of Special Concerns Undersecretary Michael Frederick Musngi sa Sandigan.

Nilabag umano ni Aquino ang Section 9, Article VIII ng 1987 Constitution nang hindi siya nag-appoint mula sa shortlist na isinumite ng Judicial and Bar Council o JBC para punan ang mga bakanteng upuan ng Sandiganba­yan Associate Justices.
Matatandaang nadagdagan ng dibisyon ang anti-graft court nang maisabatas ang Act Strengthening Further for Functional and Structural Organization of the Sandiganbayan.

Nabatid na inisnab ni Aquino ang limang iba pang shortlists na ibinigay ng JBC at kumuha ng dalawang hukom mula sa iisang shortlist.

Show comments