MANILA, Philippines – Apat na pinaghihinalaang drug pusher ang nadakip kahapon ng madaling araw sa isang drug raid sa Bacoor City, Cavite at nasamsam ang nasa P 20-M halaga ng shabu.
Ang mga nasakoteng suspek ay kinilalang sina Michael Ruiz Dumagay Jr.; Isa Umpara Abundas; Jamil Umpara Abundas; at Camallouding Dumagay.
Batay sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang isagawa ang pagsalakay sa isang bahay sa Brgy. Queens Row West ng lungsod at dito ay naaktuhan ang mga suspek na nagre-repack ng shabu.
Bago ito ay isinailalim sa masusing surveillance operation ang lugar matapos na makatanggap ng impormasyon ang pulisya na ang nasabing bahay ang nagsisilbing repacking station ng droga na mula sa sindikato ng mga Chinese drug traffickers
Nasamsam sa operasyon ang 23 malalaking sachet ng shabu na tumitimbang ng 10.4 kilo na nagkakahalaga ng P 20 M.