^

Police Metro

54.3-M botante daragsa sa presinto... Kandidato, supporters kalma lang - PNP

Doris Franche-Borja at Ricky Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Maging mahinahon, kalmado at respetuhin ang ipinatutupad na batas”.

Ito ang apela ni PNP chief Director General Ricardo Marquez sa lahat ng mga kandidato at kani-kanilang mga supporters dahil tungkulin ng kanilang hanay na protektahan ang karapatan ng mamamayan na gagawan nila ng masama.

Ang panawagan ni Marquez ay kasunod sa mga report na ilang mga supporters ng mga kandidato ay nagiging agresibo at marahas.

Tiniyak rin ni Marquez na hindi sila pagagamit sa anumang mga political agenda dahil ang PNP ay isang non-partisan at apolitical na organisasyon at hindi nila papayagan ang kanilang hanay na magamit ninuman sa politika.

Pinaalalahanan din ni Marquez ang publiko tungkol sa ipinapatupad na liquor ban ng Comelec na suportahan ito upang hindi na humantong pa sa pagkakaaresto at pagkakakulong.

Ang panawagan ni Marquez ay dahil sa pagdagsa sa kani-kanilang polling precinct ang nasa  54.3 milyon botante upang bumoto para sa magiging lider ng bansa sa loob ng anim na taon.

Sinabi ni Comelec chairman Andres  Bautista,  na handa na sila sa ‘big day’ ngayon at ma­ging ang maliliit na gusot ay agad naman nilang pina plantsa.

Maging ang seguridad sa iba’t ibang lugar sa bansa ay kanilang minomotor para narin sa  kapakanan ng mga botante.

Pagbobotohan ang posisyon ng  isang presidente at isang bise presidente ng bansa,12 senador, 59  partylist, 238 na kongresista, 81 governors at vice governors, 776  miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at 1,634 na alkalde at bise alkalde.

Pinayuhan ni Bautista ang mga botanate na agad makipag-ugnayan sa  mga Board of Election Inspectors kung magkakaroon ng anumang problema sa pagboto at kanilang polling precinct.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with