MANILA, Philippines - Nanguna si LP standard bearer Mar Roxas sa isang non-commissioned pre-election presidential survey na inilabas ng D’ Strafford Research & Strategies Inc. kahapon.
Si Roxas ang napili ng 27.8% ng 4,500 registered voters na sinarbey mula Abril 25-29, isang araw matapos ang huling presidential debate na ginanap sa Dagupan City.
Nag-tie sa ikalawang pwesto sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakakuha ng 25.4 percent at Sen. Grace Poe na may 23.6 percent.
Nasa ikatlong pwesto naman si Vice President Jejomar Binay sa nakuhang 16.6 percent habang nasa huling pwesto pa rin si Sen. Miriam Defensor-Santiago na nakakuha ng 2.7 percent.
Iginiit ng D’ Strafford na ang kanilang survey umano ay very accurate dahil gumamit sila ng face-to-face interviews sa4,500 validated voters ay may sampling error margin na plus-minus 1.2 percent.