^

Police Metro

Bongbong, hindi lumalabas ang pangalan sa voter’s receipt ng OAV

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nababahala si vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na posibleng nagsisimula na ang dayaan dahil sa mga report na hindi lumalabas ang kanyang pa­ngalan sa mga voter receipts kahit siya ang ibinoto sa balota.

“Ako ay nababahala sa ganitong report dahil sinasabi ng Commission on Elections (Comelec) na magiging malinis ang halalan pero sa mga ganitong report na nangyayari sa ating Overseas Absentee Voting ay hindi ko maiwasan na magduda kung talagang walang dayaan sa halalan,” ani Marcos.

Tinukoy ni Marcos ang isang viral video na kung saan isang overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong ang nagreklamo na kahit si Marcos ang ibinoto niya sa balota, ang pangalan ng ibang kandidato ang lumabas sa balota.

Sinabi ng babae na nagpakilalang taga La­oag City, Ilocos Norte na nagreklamo siya sa election officer sa embassy sa kanyang resibo ngunit sinabihan sya na hindi na sya pwedeng bumoto ulit dahil isang balota lang ang itinakda sa bawat botante.

“At kung nangyayari ito sa ibang bansa sa ating mga OFW, paano tayo nakakasiguro na hindi ito mangyayari dito sa bansa sa Mayo 9”, ani Marcos.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with