ZAMBALES, Philippines – Nangako si presidential candidate Sen. Grace Poe na ilalaan ang 20% ng national budget para sa pangunahing serbisyo publiko tulad ng edukasyon kung mananalong pangulo ng bansa.
Sa isang panayam, sinabi ng anak ng senadora na si Brian Poe, nais ng kanyang ina na gawing madali para sa lahat ang murang edukasyon sa pamamagitan ng pagkakaloob ng scholarship grants sa mahihirap at karapatdapat na mga mag-aaral.
Si Brian Poe, ay dumating sa Zambales para palaganapin ang kanyang adbokasya para tulungan ang mga kabataan, kasabay ng pagdalaw kina dating Zambales gobernador Amor Deloso, Angel Magsaysay na ngayon ay kandidato para Bise Gobernador ng Zambales at kay Olongapo City Mayor Rolen Paulino.
Isusulong din umano ni Senador Poe na ang lahat ng nagtapos sa K to 12 Program ng Department of Education (DepEd) ay payagang makapasok sa Philippine National Police.