Senior Citizens Party-List, nangunguna sa mga programa
MANILA, Philippines - Nagkasundo na ang dalawang paksiyon ng pinakamalaking sektor ng Party-List sa Pilipinas na Coalition of Association of Senior Citizens Inc. na may card bearing members na mahigit 9.2 milyong nakatatanda sa buong bansa.
Ayon kay Chairman Francisco G. Datol Jr. at Milagros A. Magsaysay, ipinatawag sila ng Commission on Elections en banc noong Pebrero 9, 2016 matapos lumagda sa peace agreement kaya sila ang naging 1st at 2nd nominees ng Senior Citizens Party-List na nakatala bilang No. 69 sa balota.
Nabatid na kumandidatong senador si dating Senior Citizens Party-List representative Godofredo Arquiza Jr. na nagtatag din ng Coalition of Seniors and Elderly na 1st nominee ang kanyang asawang si Remedios Arquiza na pinatakbo rin niyang alkalde sa Sual, Pangasinan noong 2013 elections na natalo at ang kanyang anak na si Myrna Arquiza-Manamtaon na 51-anyos lamang kaya hindi kuwalipikadong kumandidato bilang nakatatanda at walang numero sa opisyal na talaan ng Comelec kaya nanlilito lamang sa publiko.
- Latest