Sulu mayoralty bet, itinumba

Kinilala ni Zamboanga City Police Spokesperson Sr. Inspector Helen Galvez ang nasawing biktima na si Ahmad Nanoh, 55-anyos, kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA) sa Pangutaran, Sulu.

MANILA, Philippines - Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang mayoralty candidate ng Pa­ngutaran, Sulu nang ito ay pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem kamakalawa sa kahabaan ng Brgy. Tetuan, Zamboanga City.

Kinilala ni Zamboanga City Police Spokesperson Sr. Inspector Helen Galvez ang nasawing biktima na si Ahmad Nanoh, 55-anyos, kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA) sa Pangutaran, Sulu.

Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa dibdib na naglagos sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan.

Sa imbestigasyon, dakong alas-4:45 ng hapon naitala ang pana­nambang kay Nanoh sa bisinidad ng panulukan ng Crispin Atilano at Candido Streets, Brgy. Tetuan nang bigla na lamang sumulpot sa lugar ang motorcycle riding in tandem na nakasuot  ng kulay itim na jacket at shades na maiksi ang buhok na agad pinagbabaril ang biktima na lulan ng kaniyang Toyota Hi Lux (JBW -925).

Dalawang anggulo ang sinisilip ng mga otoridad sa kasong ito, una ay pulitika at ikalawa ay personal na alitan.

Show comments