^

Police Metro

Poe nanguna sa SWS survey

Rudy Andal, Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naungusan ni Partido Galing at Puso presidential bet Sen. Grace Poe sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) si Vice-President Jejomar Binay.

Nakakuha si Sen. Poe ng 27 percent na mas mataas ng 3 percent mula sa nakaraang survey habang si Binay naman ay nakakuha ng 24 percent na mas mababa kaysa sa 29 percent nito noong nakaraang survey.

Pangatlo naman si Liberal Party standard bearer Mar Roxas na may 22 percent habang 21 percent naman ang nakuha ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, samantalang 4 percent lamang si Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Samantala sa vice-presidential race naman ay na­nguna pa rin si Sen. Chiz Escudero na may 28 percent kasunod si Sen. Bongbong Marcos Jr. na may 26 percent at nasa ikatlong puwesto naman si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na may 24 percent. Isinagawa ng SWS ang survey nitong Marso 4-7 mula sa 1,800 repondents.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with