Iniwan ni misis, nagbigti

MANILA, Philippines – Posibleng hindi umano nakayanan ng isang 28-anyos na mister ang depresyon matapos iwanan ng kanyang  misis kaya’t nagawa nitong tapusin ang buhay sa pamamagitan nang pagbibigti naganap kamakalawa sa Malabon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Alexis Borja, basurero, ng #300 Sitio 6, Barangay Catmon  ng lungsod.

Batay sa ulat, huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-8:00 ng gabi habang nanonood ng telebis­yon at alas-11:25 ng gabi nang matagpuan ito ng kanyang mga kapitbahay na nakabigti.

Ayon sa pulisya, bago ang pagpapakamatay ng biktima ay iniwan umano  ito  ng kanyang live-in partner na nakilala sa pangalang Aiko matapos umanong hindi nito mabigyan ng magandang buhay. 

 

Show comments