MANILA, Philippines – Limang katao ang dinakip ng mga otoridad sa kasong droga sa magkahiwalay na insidente sa lalawigan ng Batangas at Pasig City.
Sa Batangas, naaresto ang apat katao na kinilalang sina Marlyn Parra; Jake Pilapil; Mariniel Vistro; at John Julio Chanco dakong alas-11:30 ng gabi nang maaktuhan ang mga ito na nagsasagawa ng pot seesion sa inuupahang silid sa Sweet Dreams Hotel sa Brgy. Balisong, Taal, ng lalawigan.
Nakatanggap ng impormasyon ang Taal Police hinggil sa illegal na aktibidades ng mga suspek kaya agad ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga ito at nasamsam ang 1.8 gramo ng shabu, aluminum foil, tooter, apat na piraso ng lighter at isang plastic sachet pa ng residue ng shabu.
Naaresto naman ng mga otoridad sa isang checkpoint sa Barangay San Antonio, Pasig City kahapon ng alas-12:00 ng madaling araw ang suspek na si Danilo Lucero, nasa hustong gulang at residente ng naturang barangay at nang kapkapan ay nakuha ang isang plastic sachet ng shabu.