MANILA, Philippines – Hinimok ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Rafael “Raffy” Alunan III ang sambayanang Pilipino na pumili ng mahuhusay at matitinong kandidato upang magkaroon ng positibong pagbabago sa bansa at matamasa ng susunod na mga henerasyon ang Pambansang kagalingan.
Tumatakbong independiyenteng senador si Alunan na ang layunin ay makatulong sa pagsusulong ng mabuting pamamahala sa bansa taglay ang malawak na karanasang natamo sa publiko at pribadong sektor.
‘Basehan ang batas at kaayusan ng isang bansa at ng mga mamamayan nito upang mamuhay nang mapayapa at malaya. Ang maunlad na ekonomiya ang pundasyon ng ating progreso at pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon,” paliwanag ni Alunan.
Para kay Alunan, napakahalaga na mapabuti ang pamamahala upang makaahon sa kahirapan ang mamamayan.