MANILA, Philippines – Nanindigan ang Philippine National Police-Anti Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) sa kanilang inihaing drug charges laban sa nakakulong na si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino.
Sa isinagawang preliminary investigation hearing sa Department of Justice (DoJ), hiniling ng PNP-AIDG ang indictment para sa dating PDEA official dahil sa pakikipagsabwatan nito sa pag-manufacture at possession of illegal drugs na malinaw na paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Itinanggi naman ni Marcelino ang alegasyon at kaniya ng isinumite ang kaniyang counter-affidavit at naninindigan din na nasa lugar siya para sa isang covert operation bilang miyembro ng Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines (ISAFP).