^

Police Metro

5 patay, 12 sugatan sa motorsiklo

Pang-masa

MANILA, Philippines – Lima katao ang patay kabilang ang isang mag-ina habang 12 ang nasugatan sa magkakahiwalay na aksidente sa motorsiklo  sa lalawigan ng Zambales, Olongapo City at Cavite.

Sa Candelaria, Zambales ay namatay ang dalawang lalaki na kinilalang sina Julius Rey Edrosolo, 23, drayber ng motorsiklo, ng Barangay Pamibian, at angkas nitong si Jiosabelle Morados,17, ng Bgy. Sto. Rosario, Masinloc, kamakalawa ng hapon.

Matuling binabagtas nina Edrosolo at Morados ang kahabaan ng national highway at pagsapit sa pababang kurbada sa Bgy. Yamot, Candelaria, ay nawalan ng kontrol nagawi sa kabilang linya bunsod upang sumalpok sa kasalubong na cargo truck (YJM-865) minamaneho ni Bernardo Mayonte, 44, ng Brgy. Lipay, Sta. Cruz, Zambales.

Namatay din ang motorcycle rider na si Arturo Simon, 44 ng Floridablanca, Pampanga makaraang aksidenteng bumangga sa kasalubong nitong pampasaherong jeep sa kahabaan ng Brgy. Kalaklan, Olongapo City kamakalawa ng gabi na ikinasugat ng 10 pasahero ng jeep at angkas ni Simon na si Joseph Toledo dakong alas-7:00 ng gabi.

Nasawi naman ang mag-inang sina Devie  Carurucan, 34; at anak na si Shane, 6 ng Brgy. Bancal, Carmona, Cavite. Habang malubhang nasugatan ang mister nitong si Elmer, 35.

Nasa kostudya ng pulisya ang driver ng SUV na si Jeffrey Pamintuan, 30, may-asawa residente ng Blk. 31, Lot 6. Phase 6, Icasañas St. Bahayang Pagasa, Brgy. Molino, Bacoor City, Cavite.

Sa imbestigasyon, alas-3:10 ng hapon sakay ang mag-anak sa  motorsiklo na minamaneho ni Elmer at binabagtas  ang nasabing lugar nang sumalpok sa isang SUV (ZSZ-197), na minamaneho ni Pamintuan.-Randy V. Datu, Joy Cantos, Cristina Timbang-

 

ANG

ARTURO SIMON

BACOOR CITY

BARANGAY PAMIBIAN

BERNARDO MAYONTE

BGY

BRGY

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

OLONGAPO CITY

ZAMBALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with