QCVM Joy B, pangungunahan ang Chinese New Year
MANILA, Philippines – Si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang mangunguna sa pagdiriwang ng ikatlong taong selebrasyon ng QC government sa Chinese New Year sa February 8 sa Banawe na siyang China Town ng lungsod.
Simple ang gagawing selebrasyon sa Banawe dahil wala ng magaganap na street party at concert kundi dragon, lion dance lamang at fireworks.
Gayunman, sinabi ni Belmonte, bilang tourism czar ng lungsod ay patuloy ang dagdag na major developments na gagawin sa Chinatown upang ganap itong maging major tourism district.- Angie dela Cruz-
- Latest