20 kubol sa Bilibid bagsakan ng droga

MANILA, Philippines – Giniba ng raiding team ng Bureau of Corrections (BuCor) sa kanilang ika-14  Oplan Galugad Operation ang nasa 20 kubol sa maximum compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City dahil sa hinihinalang dito binabagsak ang mga kontrabando.

Ayon kay BuCor director Retired General Rainer Cruz III, bandang alas-5:30 ng umaga nang gibain ang mga kubol at nagulat sila dahil kumpleto ang mga ito ng mga kagamitan na mistula ikaw ay nasa sariling mong bahay.

Kabilang sa ininspeksiyon  ng mga tauhan ng BuCor ang dating marangyang kubol ng drug lord na si Peter Co at Joel Capones.

Nakakumpiska dito ng mga appliances at electro­nics devices tulad ng mga components, malalaking led television, ilang gramo ng shabu,improvised sex enhancer at isang maliit na aquarium na may lamang malaking gagamba.

Show comments