Mindanao solons nagbabala sa ‘pagpatay’ sa BBL

MANILA, Philippines – May negatibong epek­to umano na maaaring i­dulot ang pagkadiskaril sa isinusulong na Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ito ang naging babala nina House Deputy Speaker Pangalian Balindong at Sulu Rep. Tupay Loong at inihalimbawa ang nangyari sa Syria at Iraq na nabigo din sa  mga usaping pangkapa­yapaan na nagresulta ng kaguluhan.

Ipinaalala ni Balindong na ginawa ng kanyang mga  kasama na Min­danaoan congressmen ang kanilang makakaya para maiwasang magkaroon ng karahasan, subalit wala silang magagawa dahil mayorya ng mga miyembro ng Kamara ay hindi umano interesado.

Idinagdag pa ni Balindong, ang BBL ay isang pag asa sa matagal ng minimithing kapayapaan, at sa oras na mamatay ang pag-asang ito ang kasunod ay mga desperadong hakbang.

Inamin ni Balindong na isang malaking factor ang naganap na Mamasapano incident kaya lumamig ang pagtanggap ng kanilang mga kasamahan sa BBL.

Show comments