MANILA, Philippines – Matapos makakuha ang Philippine National Police-Anti-Illegal Drugs (PNP-AIDG) ng mga bank deposit slips ni dating drug buster Marine Col.Ferdinand Marcelino na lubha nilang ikinaduda kayat hiniling nila sa tanggapan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na imbestigahan ang mga bank accounts nito.
Ayon kay PNP-AIDG Spokesman Chief Inspector Roque Merdeguia, umaabot sa P2.2 M ang kabuuan ng mga deposit slips na kanilang nakuha ang nakapangalan kay Marcelino na nahuli sa P320M drug raid sa Sta. Cruz, Maynila noong nakalipas na linggo.
Sinabi ni Merdeguia, ang pinakamalaking deposit ay P500,000.00 noong Mayo 26; P200,000.00 noong Hunyo 25 at P300,000.00 noong Hulyo 31; pawang nairekord noong 2014.
Idinagdag pa ni Merdeguia na noong Marso 4, 2015 ay may panibagong nai-deposito si Marcelino na umaabot sa P300,000.00.
Isinailalim na rin sa forensic examination ang telepono ng dating drug buster at hepe ng Special Enforcement Services (SES) ng PDEA.