MANILA, Philippines – Personal na pinangasiwaan ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista ang pagdedeposito ng source code na gagamitin sa May elections alinsunod na rin sa itinatadhana ng batas.
Tiniyak ni BSP Deputy Governor Vicente Aquino, na nasa mabuting kamay ang source code at sinabing ginagawa lamang aniya nila ang kanilang bahagi upang masigurong ligtas ito.
Ang nasabing source code ay hindi rin nila aniya hahawakan o titingnan kundi ang mga tanging otorisadong tao lamang ang maaaring makapasok sa vault na pinaglalagyan nito.
Bukod sa Comelec, ang Smartmatic TIM lamang ang may kopya ng nasabing source code.