Mayor ng Bohol tinanggal sa serbisyo

MANILA, Philippines – Tinanggal sa serbisyo ng Ombudsman bilang Bohol Mayor si Apolinaria Balistoy dahilan sa umanoy paggamit ng mga pekeng official receipts at certificates of attendance para makakuha ng reimbursement sa mga nagastos mula sa  trainings noong  2010.

Hindi na rin pinayagan ng batas na makaupo sa alinmang puwesto sa gobyerno si Balistoy bukod sa pagkansela sa kanyang  eligibility, walang retirement benefits at pinagbawalang kumuha ng civil service examinations.

Napatunayang guilty si Balistoy sa kasong  serious dishonesty, grave misconduct at falsification of official document.

Ang mga  certificates   ay ginamit ni Balistoy para makakuha ng reimbursements para sa kanyang travel at training expenses  na may kabuuang  P155,789.00.

Napatunayan din na hindi naman sa Metro Manila dumalo ng trainings si Balistoy kundi sa kanyang lalawigan lamang.

 

Show comments