MANILA, Philippines – Tatlong buwang suspendido ang ipinataw na parusa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa prangkisa ng “patok jeepney” na nag viral kamakailan dahil sa pagewang-gewang nitong pamamasada sa Marikina area.
Ayon kay LTFRB boardmember Ariel Inton ang naging desisyon ng LTFRB board makaraang isalang muli kahapon ang isyu ng pagewang-gewang na jeep kamakailan.
Nang maging viral sa social media ang patok jeepney noong January 20, 2016, agad naman ipinasoli ng LTFRB ang plaka ng sasakyan sa ahensiya at hindi muna ito pinapasada habang iniimbestigahan ang insidente.
Muling pinabulaanan ng driver ng jeep na si Mark Bumanlag na hindi siya kundi ang konduktor na si Reynaldo Capulong ang nagmaneho ng walang pasaherong jeep na nagpagewang-gewang sa Maharlika highway kamakailan.
Dahil hindi dinala ni Bumanlang sa LTFRB si Capulong ay irerekomenda na ng LTFRB na kanselahin na ang drivers license ni Bumanlag.