^

Police Metro

Prangkisa ng ‘patok’ jeepney sinuspinde ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatlong buwang suspendido ang ipinataw na parusa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa prangkisa  ng “patok jeepney” na nag viral kamakailan dahil sa pagewang-gewang nitong pamamasada sa Marikina area.

Ayon kay LTFRB boardmember Ariel Inton ang naging desis­yon ng LTFRB board makaraang isalang muli kahapon ang isyu ng pagewang-gewang na jeep  kamakailan.

Nang maging viral sa social media ang patok jeepney noong January 20, 2016, agad naman ipinasoli ng LTFRB ang plaka ng sasakyan sa ahensiya at hindi muna ito pinapasada habang iniimbestigahan ang insidente.

Muling pinabulaanan ng driver ng jeep na si Mark  Bumanlag na hindi siya kundi ang konduktor na si Reynaldo Capulong ang nagmaneho ng walang pasaherong jeep na nagpagewang-gewang sa Maharlika highway kamakailan.

Dahil hindi dinala ni Bumanlang sa LTFRB si Capulong ay irerekomenda na ng LTFRB na kanselahin na ang drivers license ni Bumanlag.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARIEL INTON

AYON

BUMANLAG

BUMANLANG

CAPULONG

DAHIL

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LTFRB

REYNALDO CAPULONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with