MANILA, Philippines – Nagmistulang uling ang katawan ng isang 3- anyos na batang lalaki matapos na makulong ng apoy sa nasusunog nilang bahay kamakalawa sa Nasugbu, Batangas.
Ang biktima ay kinilalang si Kyle Benedict Tenorio, residente ng Brgy.10, Nasugbu, Batangas.
Sa ulat ng Batangas Police, naitala ang malagim na insidente sa bahay ng pamilya Tenorio sa nasabing lugar bandang alas-2:29 ng hapon.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang sunog ay nagmula sa bahay ng mga biktima na mabilis na kumalat sa mga katabi nitong kabahayan sa lugar.
Naapula naman ang sunog bandang alas-3:15 ng hapon matapos na magresponde ang mga bumbero.