MANILA, Philippines – Pasok uli sa “Magic 12” o winning circle ng mga senatorial bets si Valenzuela City Rep. Sherwin “Win” Gatchalian sa nationwide survey na isinagawa ng Radio Mindanao Network (RMN) nitong nakaraang Enero 5-14.
Umabot sa 22.64 percent ang boboto kay Gatchalian sa pagka-senador sakaling ngayon gagawin ang eleksyon.
Ang naturang voter preference ay naglagay kay Gatchalian sa No. 12 position at nalampasan pa niya ang re-electionist senator na si Teofisto Guingona Jr. na nasa No. 13 na lang.
Pinakamataas ang voter preference ni Gatchalian sa Northern Luzon kung saan nakapagtala siya ng 33.42 percent at sinundan ito ng National Capital Region kung saan 22.30 percent ang boboto sa senatorial candidate ng Nationalist Peoples Coalition.Matatandaang pumasok din si Gatchalian sa Magic 12 sa Pulse Asia survey na isinagawa noong Disyembre 4-11, 2015 kung saan nakapagtala ng 36 percent voter preference si Gatchalian na siyang pinakamataas na survey rating na kanyang nakamit.
May kabuuang bilang na 3,578 randomly selected radio listeners na pawang mga registered voters ang na-interview ng face to face ng mag surveyors ng RMN Research Department.
Ang nakuhang datos ng RMN Data ay masusing na check at naberipika ng independent research consultants. Ang margin of error ay (+) or (-) 2.5%, ayon pa sa RMN Research Department.