^

Police Metro

PCSO Chairman sabit sa ‘ghost employees’

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakatakdang kasuhan si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Ayong Maliksi  ng isang transparency group dahil sa isyu ng “ghost employees” at “preferential treatment” ng kanyang tanggapan

Ayon kay Jennifer Castro, pangulo ng Filipino Alliance for Transparency and Empowerment (FATE), ang pagsasampa ng kaso ay upang mapigilan si Maliksi sa umano’y walang patumanggang paggamit sa pondo ng gobyerno bunsod ng pagpabor sa mga taong malapit sa kanya.

Una nang ibinulgar ng FATE ang pagkakaroon ni Maliksi ng nasa 30 consultants sa kanyang tanggapan sa kabila ng pahayag nito na wala nang pondo ang PCSO.

Kabilang dito ang 13 confidential agents at 10 consultants na makakatanggap pa ng suweldo hanggang Marso, pero hindi naman umano nagpapasok.

Kabilang din sa nakalap na datos ng FATE ang pagbibigay ng P2.1 milyong “medical assistance” sa kanyang tsuper na naratay sa Philippine Heart Center nitong nakaraang taon.

Nabatid na si Maliksi ang nagsulong na mailabas ang malaking halaga na maaari umano na napaghati-hati at napakinabangan ng ibang humihingi ng tulong sa PCSO.

 

ACIRC

ANG

AYON

CHAIRMAN AYONG MALIKSI

FILIPINO ALLIANCE

JENNIFER CASTRO

KABILANG

MALIKSI

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PHILIPPINE HEART CENTER

TRANSPARENCY AND EMPOWERMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with