MANILA, Philippines – Binatikos ng mga legal experts ang plano ng Senado na muling buhayin ang imbestigasyon sa umano alegasyon ng korapsyon laban kay Vice President Jejomar Binay.
Ayon kina dating Integrated Bar of the Philippines (IBP) president Vicente Joyas at University of the Philippines law professor Harry Roque Jr., na sila ay naniniwala sa napaulat na plano ng mga kalaban sa pulitika ni Binay sa Senate Blue-Ribbon committee ay pag-aaksaya lang ng pera at panahon.
Ayon kay Atty. Joyas na magkakaroon lang ng imbestigasyon sa planong pagbuhay ng Senado at dapat ay ipaubaya na lang ito sa Ombudsman at pagtuunan na lang ng pansin ang mahahalagang usapin sa Senado bago maging abala ang mga senador sa pangangampanya sa eleksyon.
Idinagdag pa ni Atty. Joyas na ang tamang gawin ng Senate panel ay ibigay sa Ombudsman ang lahat ng kanilang ebidensiya kung meron man upang sila na ang bahala na magpatunay kung may nagawang pagkakamali ang isang opisyal ng pamahalaan na inaakusahan nila ng korapsyon.
“Dahil ang tamang forum sa pag-iimbestiga sa alegasyon ng korapsyon ni Binay ay ang korte lamang.”, diin ni Atty.Joyas.
Inayunan ni Atty. Roque ang pahayag ni Atty.Joyas at idinagdag pa nito na isang pag-aaksaya sa pera ng bayan ang planong muling buhayin ang imbestigasyon ng Senate panel.
Una nang umayon ang dalawang eksperto sa naging opinion nina dating UE law deans Amado Valdez at Pacifico Agabin ng University of the Philippines na ang balak na pagbuhay ng Senado laban kay Vice President ay malinaw na political strategy dahil sa pangunguna ng Bise Presidente sa mga survey.
Idinagdag pa ni Valdez na lalong papabor kay Binay ang balak ng Senado dahil lalabas na underdog ito na siyang gusto ng taumbayan.