Seniors sa CCT program dagdagan pa - VP Binay

MANILA, Philippines – Nais ni Vice President Jejomar Binay na isali  ang mga senior citizens na may edad 60 hanggang 64 sa  Conditional Cash Transfer (CCT) program dahil sa kasalukuyan ang mga nasa 65-anyos lang pataas ang kasama sa programa.

“Yong mga katulad kong senior citizens, alam ninyo ba na from age 60-64, hindi po kasama? Sixty ang simula ng senior citizen. Bakit po sila napwera roon?” wika ni Binay sa isang panayam sa  DYRD Bohol.

Idiniin ni Binay ang pangangailangang benepisyo sa mga  seniors dahil ang halaga ng pension ay bumaba dahil sa inflation.

“Until such time na nakukuha na nila ang pension nila, ang value ng peso pababa nang pababa. Once they retire or after 10-15 years wala na ‘yon dahil mababa na ang value ng piso,” pahayag ni Binay.

“Isa hong dahilan ‘yan kung bakit ko naisip na bigyan ng traditional benefits ang mga senior citizens namin sa Makati,” dagdag pa ni Binay.

Nais din ni Binay kung sakali na manalong pangulo ay irereporma niya ang CCT program matapos na matuklasan ng Commission on Audit (COA) na may mali sa listahan ng mga benepisaryo, hindi lahat ay nabibigyan,walang patunay nakatanggap ang isang benepisaryo at iba pa.

 

Show comments