MANILA, Philippines – Bukas ay gagawaran na ng posthumous award ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang nasawing 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) commandos na nagbuwis ng buhay sa paglipol sa international terrorist sa inilunsad na Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao kasabay ng ika-1 taong anibersaryo ng kanilang kamatayan sa gaganaping seremonya sa Camp Crame.
Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt.Wilben Mayor, itinakda ang “Commemoration of Heroism of the Gallant SAF 44”, na dadaluhan ni P-Noy bilang tagapagsalita at panauhing pandangal sa Multi Purpose Hall ng Camp Crame.
Ang pagpaparangal sa SAF 44 troopers ay igagawad ng punong ehekutibo, isang taon matapos ang madugong pagbubuwis ng mga ito ng buhay sa pag-neutralisa sa international Jemaah Islamiyah (JI) terrorist Zulkipli bin Hir alyas Marwan, isang Malaysian sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.