MANILA, Philippines - Nasawi noon din ang isang babaeng guro habang 32 ang nasugatan nang aksidenteng bumaliktad ang sinasakyan nilang Elf truck kamakalawa sa highway ng Kibungan, Benguet.
Ang nasawi dahil sa tinamong sugat sa ulo matapos maipit ng truck ay kinilalang si Julieta Danio, 55.
Habang dinala sa Benguet genral Hospital ang 32 sugatang biktima na ang 27 ay mga batang mag-aaral dahil sa maselang kalagayan.
Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-9:50 ng umaga ay minamaneho ni Jetson Cayad-an ang Elf truck (UJV-464) at binabagtas ang kahabaan ng Brgy. Palina, Kibungan, Benguet at dito ay lulan ng truck ang helper ng driver, tatlong guro at 27 estudyante sa Grade IV at Grade VI ng Kibungan Elementary School na ihahatid sana sa Scout Jamboree sa bayan ng Bakun nang mawalan ito ng kontrol sa manibela at dalawang beses bumaliktad ang truck.