Magpinsan tiklo sa 1 kilong shabu

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga otoridad ang isang magpinsan sa isinagawang buy-bust operation ng Manila Police District-District Anti-Illegal Drugs (MPD-DAID) at nakuhanan ng tinatayang 1 kilong shabu, sa San Andres, Maynila, kahapon ng hapon.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Aswani Macabato at Abdul Montaquim, na kapwa tubong Marawi City.

Sa ulat, bandang alas-12:00 ng tanghali kahapon nang ikasa ang operasyon laban sa mga suspek,  sa tabi ng isang supermarket sa San Andres, Maynila.

Show comments