MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa P26 bilyon ang maaaring malugi sa Social Security System (SSS) ngayong taong 2016 kung itutuloy nito ang pagkakaloob ng P2,000 pension hike ng mga pensioners sa bansa.
Ito ang sinabi ni SSS President at CEO Emilio S. De Quiros Jr.,sa isang press conference sa dahilan kulang anya ang pondo ng ahensiya para mapunan ang kailangang pondo para sa pension hike.
Anya, kung ibibigay ang pension hike, aabutin na lamang ng hanggang sa taong 2027 ang SSS fund life sa halip na hanggang 2042 na batay sa kanilang pagtaya. Sinasabing mababa ang pension ng mga pensioners dahil mababa rin ang kanilang kontribusyon. Ang average monthly pension ay P3,200 kada buwan.