^

Police Metro

Fallen SAF 44 bibigyan ng parangal sa unang anibersaryo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa unang anibersaryo ng pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force sa darating na Enero 25 ay bibigyan ito ng parangal ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP).

Ito’y sa gitna na rin ng patuloy na pagsigaw ng katarungan  ng naulilang pamilya ng SAF 44  at ng matagal na pagkakabitin sa nasabing parangal na minsan ng naudlot sa seremonya ng Police Service Day noong nakalipas na taon.

Sinabi ni  PNP Chief P/Director General Ricardo Marquez, napapanahon at tamang-tama ang pagpaparangal sa mga bayaning SAF 44 lalo pa nga at unang taon ng anibersaryo ng  pagbubuwis ng mga ito ng buhay sa Oplan Exodus.

Ang Oplan Exodus na umano’y plinano ng noo’y suspendidong sina dating PNP Chief ret. Gen. Alan Purisima at  dating Special Action Force ret. Police Director Getulio Napeñas  ay ang misyong kunin buhay man o patay si Jemiah Islamiyah (JI) terrorist Zulkipli bin Hir alyas Marwan  at ang kanang kamay nitong si Abdul Basit Usman.

Sa nasabing operas­yon ay ‘mission accomplished’ ang SAF troo­pers matapos na mapatay si Marwan, pero naging kapalit naman ito ng buhay ng 44 mga baya­ning commandos habang nakatakas si Usman pero sumunod ding napatay matapos ang ilang buwan.

Hinggil naman sa pagtanggap ng Medal of Valor o ang pinakamataas na parangal sa mga bayaning pulis ay sinabi ni Marquez na hinihintay pa nilang aprubahan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang kanilang rekomendasyon.

ABDUL BASIT USMAN

ACIRC

ALAN PURISIMA

ANG

ANG OPLAN EXODUS

CHIEF P

DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

JEMIAH ISLAMIYAH

MARWAN

MEDAL OF VALOR

SPECIAL ACTION FORCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with