MANILA, Philippines – Isa na namang 65-anyos na turistang Australian na sinasabing nakasaklay bunga ng pinsala sa kaliwang paa ang nadale ng snatcher matapos itong agawan ng sling bag sa panulukan ng Lacson Street sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Sa reklamo ni Wayne Dumschat sa himpilan ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section, sinubukang habulin ng biktima ang snatcher subalit bigo siya kaya hindi na nabawi ang bag na naglalalaman ng laptop, cellphone at $6,000 cash.
Nabatid na naglalakad ang biktima kasama ang kanyang Pinay na misis sa España Avenue malapit sa terminal ng pampasaherong bus sa panulukan sa Sampaloc nang hablutin ang kaniyang sling bag.
Nabatid na ang biktima ay galing sa Isabela kasama ang asawang si Edna nang maganap ang insidente.
Hindi na rin makapaghain ng kaso ang biktima dahil pabalik na ito sa Australia.