^

Police Metro

Bigtime rolbak sa langis nakaamba

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inaasahang may malakihang rolbak sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo dahil sa patuloy na pagbulusok sa presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Sa tantiya ng mga eksperto, posibleng umabot sa P1.40 kada litro ang ibababa sa presyo ng diesel habang nasa P1 kada litro naman sa gasolina.

Inaasahan rin na maaaring bumaba ng P1.20 ang kada litro ng kerosene.

Sinasabing ang patuloy na pagbaba sa presyo ng langis sa “oversupply” nito sa Gitnang Silangan at paghina ng ekonomiya ng Tsina.

Dahil sa patuloy na pagbaba sa presyo ng petrolyo, nabuhay ang panawagan ng mga pasahero na ibalik na sa P7 ang minimum na pamasahe sa pampublikong jeepney na hindi naman nagsusukli ang mga tsuper kung P8 ang ibi­nibigay ng pasahero.

Mas mababa na umano sa P24 ang kada litro sa diesel. Noong 2009, nasa P7 lamang ang minimum na pasahero nang huling pumalo sa P24 ang kada litro ng diesel.

Tinututulan naman ito ng mga transport group dahil sa hindi pa rin naman umano kumikita ang mga tsuper dahil naman sa pagkonti ng kanilang biyahe dulot ng mas tumin­ding trapiko sa Metro Manila at karatig lalawigan.

ACIRC

ANG

DAHIL

GITNANG SILANGAN

INAASAHAN

INAASAHANG

METRO MANILA

NOONG

SINASABING

TINUTUTULAN

TSINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with