Boundary system, psycho test sa taxi drivers
MANILA, Philippines – Isailalim sa psycho test ang mga taxi driver at busisiin ang boundary system na ipinaiiral ng mga taxi operators sa bansa.
Ito ang plano ni Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) board member Atty. Ariel Inton, dahil ito ang nakikitang mga dahilan at paraan na maresolba kung bakit may mga nangongontratang taxi drivers at may mga drivers na may kakaiba ang ugali na dapat bigyang pansin at tulungang mabago.
Anya, mas mainam na mapagtuunan ng pansin ang naturang mga hakbang upang makatulong ang ahensiya sa pagbabago ng kundisyon ng buhay at pagkatao ng mga taxi drivers sa bansa.
Sa ngayon, may P300.00 hanggang P500.00 ang take home na kita ng mga taxi drivers kada 24 oras na pagbiyahe ng taxi at umaabot naman sa P1,800 ang boundary sa taxi.
Mas lumiliit pa anya ang kita ng mga taxi drivers dahil sa epekto ng matinding trapiko sa Metro Manila.
- Latest